Hulyo 20, 2022 – Ngayong araw ay sinimulan ang ‘Bayanihan Bakunahan sa Barangay,’ ang programang inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan upang higit pang paigtingin ang isinasagawang pagbabakuna sa lalawigan bilang karagdagang proteksyon kontra COVID-19.
Lubos naman ang suporta ng pamunuan ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Francis Anthony S. Garcia sa programang ito, kung saan magkakaroon ng raffle draw sa lahat ng vaccination sites sa lungsod: sa Waltermart mula ika-20 hanggang 23, at ika-25 ng Hulyo, at sa apat (4) na City Health Centers mula ika-20 hanggang 22, at ika-25 ng Hulyo.
Sa Daily Raffle Draw, ang lahat ng magpapabakuna ay may pagkakataong manalo ng cash prizes mula sa Pamahalaang Panlungsod.
Samantala, magkakaroon rin ng live Grand Raffle Draw sa ika-26 ng Hulyo na mapapanood sa official Facebook page ni Governor Jose Enrique “Joet” S. Garcia, kung saan may pagkakataong manalo ng laptop, tablet, at cash prizes mula sa Pamahalaang Panlalawigan.
Sa pamamagitan ng ‘Bayanihan Bakunahan sa Barangay’ at ng incentives na patuloy na ibinibigay ng lungsod, higit pang maraming residente ang mahihikayat na magpabakuna upang sa gayon ay mabigyan sila at ang kanilang pamilya, ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19, at mapanatili ang mababang kaso sa lalawigan.