Balanga was formerly a vista of Abucay before it was established as a mission of the Dominican Order in the Provincial Chapter of April 21, 1714 and later declared a vicariate on April 18, 1739, under the patronage of Saint Joseph. Upon the establishment of Bataan as a separate province in 1754, Balanga was made its capital by General Pedro Manuel Arandia due to its favorable location, at the heart of the new territorial jurisdiction.
The word Balanga originates from the Tagalog word bañga (clay pot), which the town used to produce and, which was among the best that can be found in the country. The legendary version where the name Balanga originated is as follows (Municipality of Balanga, 2000):
“Diumano, nagpabando si Raha Mulawin na kung sino man ang makagagawa ng pinakamalaki’t pinakamatibay na balanga na siyang sasakyan ng prinsesa sa kaniyang pagtawid sa malaking sapa ay siya nitong makakaisang dibdib.
Sa dami ng balangang ginawa, ang kay Prinsipe Layak ang pinakamalaki at pinakamatibay kaya’t sa madaling sabi, sa balangang ito idinaos ang kasalan at magmula noon, “Balanga” ang itinawag sa pook na itong may romansang ingat.
Ayon naman sa ilang matatanda, nasulat daw sa kasaysayan ang pangalang “Balanga” dahilan sa isang nakatutuwang pangyayari.
Bago pa man daw dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang bayan ng Balanga ay isang kaakit-akit na pook. Marami rawitong pagawaan ng balanga. Minsan, dalawang kawal Kastila raw ang namasyal sakay ng kabayo. Hangang-hanga sila sa mga namasid. Ipinagtanong tuloy nila ang ngalan ng pook na ito na binalak nilang lalong paunlarin. Isang babae raw na may sunong na balanga ng tubig ang kanilang napagtanungan.
At dahil hindi nga marunong ng tagalog ang dalawang sundalo, humigit-kumulang ay ito ang naging usapan nila. “Ho! Ho! Hooo!” pigil sa tumatakbong kabayo sabay lundag sa harap ng nabiglang babae. “Ay, Sino kaya’ng mga ito?, pagulat na tanong ng babae. “Ano kayang pakay nito sa akin?” Takot na takot, hinigpitan niya ang pagkakahawak sa balangang sunong. Umakmang tatakbo. Nguni’t naudlot ng tanungin ng kawal. “Que lugar es este, senorita?” (Anong pook ito binibini?) tanong ng makisig na kawal habang pigil ng mariin ang braso ng balangang sunong. “Si, que lugar es este senorita?” ulit ng pandak, hagod ng tingin ang balangang sunong ng babae habang inaayos ang nalisyang sable sa lalagyan. Lalong nagtumiin sa isip ng babae na itinanong nila kung ano ang kaniyang sunong. “Nakupo! Masabi na nga kung ano itong aking sunong.” Nahihintakutang bulong ng babae. “Baka ako saksakin kung hindi ko sasabihin. Talagang salbahe!” at kumarimot ng takbo ang pobre habang sumisigaw ng “balanga! balanga! balanga! “Halos madurog ang hawak ng balanga sa higpit ng pagkakahawak. Hindi nito alintana ang pagtawag ng Kastila. Gulilat, nagkatinginan lang ang dalawa. “Porque?” tanong ng pandak. Ngunit walang narinig na sagot sa kasama. Iiling-iling, muling sumakay sa kabayo ang dalawang sundalo.
“Kung gayo’y balanga pala ang tawag sa lugar na ito”, sa wikang Kastila’y sambit ng pandak sabay baling sa kasamang nagkamot ng ulo. “Tsk…Tsk…Tsk… Si BALANGA, BALANGA, BALANGA,” may kakaibang ngiting salo ng makisig na kawal sabay sulat sa munting kuwadernong hawak.
At magpahanggang ngayon, “Balanga” ang tawag sa kabiserang bayan ng Bataan.”
Balanga was inaugurated as a city on December 30, 2000 by virtue of Republic Act 8984.