Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Balanga, sa pamumuno ni Punong Lungsod Francis Anthony S. Garcia, sa pagsasagawa ng aktibidad ukol sa Dengue Awareness Month sa pamamagitan ng isang talakayan na naglalayong mas palakasin ang kaalaman ng Balangueños tungkol sa dengue. Ginanap ito sa Barangay Tuyo kung saan may pinakamaraming kaso ng dengue sa buong Balanga.
Pinangunahan ni Dr. Jose Christopher Custodio, City Health Physician, ang seminar kung saan detalyado niyang tinalakay ang dengue – kung paano ito naipapasa, ang mga sintomas na dapat bantayan, at ang mga paraan para maiwasan ito. Naging masaya ang talakayan dahil may kasamang mga palaro, kaya mas naging aktibo ang mga dumalo.
Sa pagtatapos, nagpasalamat si Engr. William Orozco, Sanitary Engineer, sa lahat ng dumalo at sumuporta sa aktibidad.
Ang talakayan ay maayos na naisagawa sa pangunguna ng City Health Office sa pamumuno ni Dr. Mariano Antonio Banzon.