Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang ceremonial turnover ng 216 housing units ng 1Bataan Village NHA-Balanga City Low-Rise Building Phase 1 sa mga benepisyaryo na naninirahan sa tabi ng Talisay River sa Barangay Talisay at Bagumbayan.
Bukod sa ligtas at mapayapang tahanan, ang 1Bataan Village ay may iba’t-ibang pasilidad, gaya na lamang ng Barangay Learning Hub, covered court, KAANIB garden, community center, paaralan, livelihood center, market, water system, administrative office, material recovery facilities, at marami pang iba.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na mabigyan ng maayos na bahay ang bawat mamamayang Pilipino. Ito ay hindi lamang naglalayong magbigay ng tahanan, kundi pati na rin ng pag-asa at sa mga pamilyang nangangailangan nito.
Ang 1Bataan NHA-Balanga City Low-Rise Housing Project ay matagumpay na naisakatuparan sa tulong ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), National Housing Authority (NHA), Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, at Pamahalaang Lungsod ng Balanga, bilang bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program ng Pamahalaang Nasyonal. Sa pagkakaisa ng naturang mga ahensya at lokal na pamahalaan, naging posible ang pagtataguyod ng proyektong ito.
Lubos ang pasasalamat ni Punong Lungsod Francis Anthony S. Garcia kina Pangulong Marcos, Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino “Jerry” L. Acuzar, NHA General Manager Joeben A. Tai, sa lokal na pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Joet Garcia, Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Bataan Kgg. Abet Garcia, at sa lahat ng katuwang ng lungsod upang maisakatuparan ang malaking proyektong ito.